WASHINGTON (Reuters) – Inamin ni U.S. President Donald Trump nitong Linggo na nakipagpulong ang kanyang anak na lalaki sa mga Russian noong 2016 sa Trump Tower, para makakuha ng impormasyon sa kanyang kalaban sa eleksiyon na si Hillary Clinton, at iginiit na ito ay “totally legal” at “done all the time in politics.” Nauna nang sinabi ng Republican president na ang pagpupulong ay tungkol sa pag-aampon ng mga Amerikano sa mga batang Russian. Ang madaling araw na post sa Twitter ni Trump ay ang pinakadirektang pahayag niya sa layunin ng pagpupulong, gayunman sinabi ng kanyang anak at ng iba pa na ito ay para mangalap ng damaging information sa Democratic candidate.

Sa post sa Twitter, itinanggi rin ni Trump ang mga ulat sa Washington Post at CNN na nababahala siya na masasabit sa problemang legal ang panganay niyang si Donald Trump Jr., dahil sa pakikipagpulong sa Russians, kabilang na ang isang abogado na may kaugnayan sa Kremlin.

“Fake News reporting, a complete fabrication, that I am concerned about the meeting my wonderful son, Donald, had in Trump Tower. This was a meeting to get information on an opponent, totally legal and done all the time in politics - and it went nowhere. I did not know about it!” tweet ni Trump.

Iniimbestigahan ni Special Counsel Robert Mueller kung ang mga miyembro ng Trump campaign ay nakipag-ugnayan sa Russia para impluwensiyahan ang karera sa White House pabor sa kanya. Itinanggi ni Russian President Vladimir Putin na nakialam dito ang kanyang pamahalaan.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina