Napanatili ng bagyong “Jongdari” ang taglay nitong lakas habang nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong 1,545 kilometer (km) Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang hangin na 65 kilometer per hour (kph) at bugsong 80 kph.
Gayunman, dahan-dahang kumikilos ang bagyo patungong Silangan-Hilagang Silangan.
Paglilinaw ng PAGASA, maliliit ang tsansang pumasok ang bagyo sa bansa.
Samantala, nasa state of calamity ang San Luis at Candaba, sa Pampanga dulot ng matinding baha dahil sa habagat.
-Jun Fabon