HINDI pa laos ang Pambansang Kamao at may ibubuga pa ito sa larangan ng boksing, ayon kay Senador Rcihard Gordon.

Ikinumpara pa ni Gordon si Senador Manny Pacquiao sa 92-anyos na si Malaysian Prime Minister Mahathir Mohammad, na matagumpay na nakabalik bilang Prime Minister ng Malaysia.

“Mahathir Mohammad is Prime Minister of Malaysia and staged a comeback at 92. Manny Pacquiao is 38 and he wins his umpteenth World Title on his 60th fight. Age does matter but the will to win is it,” ani Gordon .

Para naman kay Senator Juan Miguel Zubiri, si Pacquiao ang “the fighter of the century”.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Collecting belts and leaping across weight divisions, Pacman is in a class up there with the greatest of boxers,” ani Zubiri.

“Ipinakita sa atin ng ating Pambansang Kamao kung paano muling bumangon, at kung paano mapagtagumpayan ang mga balakid sa kabila ng maraming mga hamon sa buhay,” ayon naman kay Senador Nancy Binay.

“Maraming salamat, Manny at binigyan mo na naman kami ng pag-asa,” pagbati ni Senador Win Gatchalian.

“Indeed, with hard work and determination, nothing is impossible. Thank you for once again bringing so much honor to the country,” mula naman kay Sen. Joel Villanueva.

-LEONEL M. ABASOLA