Para sa “Worldwide Aid to Fight Poverty” ng Iglesia ni Cristo (INC), pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Maynila sa Hulyo 14 at 15, Sabado at Linggo.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sarado ang Katigbak Drive, South Drive at Independence Road simula 6:00 ng gabi sa Sabado.

Pagsapit ng Hulyo 15, sa ganap na 12:01 ng umaga, ay isasara naman ang Road 10, mula sa Moriones hanggang sa Delpan Bridge; Bonifacio Drive, Delpan Bridge-Katigbak Drive; Roxas Boulevard, Katigbak Drive-P. Ocampo; east at westbound lanes mula sa P. Burgos, Lagusnilad-Roxas Boulevard; Finance Road, Taft Avenue-P. Burgos; westbound ng TM Kalaw, M.H del Pilar-Roxas Boulevard; at westbound ng Pres. Quirino, M.H. del Pilar-Roxas Boulevard.

Ayon sa MMDA, ang mga dadaan sa southbound ng R-10 ay dapat kumaliwa sa Moriones Street, habang ang mula sa Pasay area na pa-northbound ng Roxas Boulevard ay pinakakanan sa P. Ocampo Street, o baybayin ang Roxas Boulevard Service Road.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ang mga galing sa tatlong tulay na pa-southbound ng Roxas Boulevard pinadidiretso sa Taft Avenue, samantalang ang mga galing sa Ayala Bridge ay maaaring kumaliwa o kumanan sa Taft Avenue.

-Bella Gamotea