GOMA, DR Congo, (AFP) – May 12 nangingisda ang nasawi at mahigit isandosenang iba pa ang nawawala matapos ang madugong sagupaan sa Lake Edward, na pinaghahatian ng Uganda at Democratic Republic of Congo, sinabi ng isang Congolese official nitong Lunes.

‘’The 12 bodies of our compatriots are still floating on Edward Lake’’ matapos magbakbakan ang Ugandan navy at DRC armed forces, sinabi ni Muhindo Kyakwa, senior official ng DRC province ng North Kivu.

‘’We can’t retrieve them because Ugandan troops are opening fire on anything that moves,’’ aniya sa AFP, idinagdag na ‘’a dozen fishermen’’ ang nawawala pa rin.

Ang Congolese navy ay inatasang pigilan ang militia fighters, mga rebelde at iba pa mula sa Uganda at Rwanda sa pag-operate sa lugar.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'