Tinatayang aabot sa P100,000 halaga ng ari-arian ang naabo nang masunog ang isang Chinese restaurant sa Barangay South Triangle, Quezon City, nitong Sabado ng gabi.

Sa paunang imbestigasyon ni Quezon City Fire Marshal, Senior Supt. Manuel Manuel, nagsimula ang sunog ibabang bahagi ng Le Ching tea house sa Timog Ave., South Triangle, dakong 11:30 ng gabi.

Ayon kay Fire Chief Insp. Rosendo Cabillan, sumiklab ang apoy sa kusina at gumapang sa mezzanine nito.

Umaabot sa unang alarma ang sunog at tuluyang naapula sa pagresponde ng mga bumbero.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Walang iniulat na nasaktan sa insidente.

Patuloy na tinutukoy ang sanhi ng sunog.

-Jun Fabon