Nasawi ang isang electrician makaraang makuryente habang nagkakabit ng ilaw sa isang establisimyento sa Quezon City, nitong Martes ng hapon, iniulat ng pulisya.

Base sa inisyal na ulat ni SPO3 Cristituto Zaldarriaga, ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Marlon N. Caballero, 29, ng Santolan, Pasig City.

Dakong 5:00 ng hapon nang madiskubre ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) si Caballero na wala nang buhay sa loob ng isang gusali sa Eastwood Avenue sa Barangay Bagong Bayan sa Libis.

Batay sa imbestigasyon ng CIDU, nakuryente umano si Caballero habang nagkakabit ng flourescent lamp sa Level 2, Stairway Auxilliary Room ng Eastwood Global Corporate Center.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hinala ng pulisya, ilang oras na ang nakalipas bago natagpuan si Caballero na wala nang buhay.

Naisugod pa ito sa Pasig Medical Center, pero patay na sa tinamong third degree burns sa katawan.

-Jun Fabon