SA Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bagac, Bataan ang location ng last shooting day ni Kris Aquino sa Star Cinema movie na I Love You, Hater, na showing na sa July 11.

Kris

Magkaeksena sina Kris at John Estrada, na gaganap na ex ni Kris sa story. Hindi lang malinaw kung ex-boyfriend o ex-husband ni Kris ang role ni John.

Flashback siguro ang eksena, kaya sa Las Casas Filipinas ang location ni Direk Giselle Andres.

Matapos makaharap si Marian: Sassa Gurl, na-realize 'di siya perpektong tao

Parang may eksena rin si John kina Joshua Garcia at Julia Barretto, pero malalaman lang ang konek ng tatlo kapag pinanood na ang I Love You, Hater.

Samantala, nagkomento si Kris sa nangyaring gulo sa laban ng Gilas Pilipinas kontra Australian tea, at siguro naman ay hindi iisiping nakialam o sumawsaw sa isyu si Kris. Gaya ng ibang Pilipino, nagpahayag lang siya ng opinyon sa nangyari.

“It was a more than 3 hour road trip to get to my Bataan location. I saw that the GILAS brawl against Australia was all over the news. I read some of the critical comments, and i felt compelled to make a stand...

“I don’t claim to be close to them, but @coachchot has been kind to me, I’ve seen Coach Jong at the Meralco Chapel, but I’ve never met @tbvrome07... But we did watch what transpired over & over again, even in slow-mo... “The team is suffering enough, and they have given so much effort for our country. Hindi ba natin sila puwedeng damayan at suportahan

ngayon na kailangan nilang maramdaman na ang mga Pinoy hindi nang-iiwan ng kapwa Pinoy?

“Wag naman sanang mabura ng ilang minute sa isang gabi ang lahat ng magagandang alaala nung mga panahon na dahil sa #GILAS naging taas noo tayo. (P.S. kung pipili lang ako ng coach & teammates sa kahit na anong mabigat na trabaho, sa nakita kong #unity & #bayanihan nila, sila ang pagdarasal kong maging kakampi).”

May mga nag-agree sa ipinahayag na opinyon ni Kris, at mayroon ding mga nag-disagree. Sa ngayon ay mainit pa ang isyu at wala pang gustong magpatalo. Hayaan na lang muna natin at magiging maayos din ang lahat

-NITZ MIRALLES