PINAGHARIAN ni National Master lawyer Bob Jones Liwagonang katatapos na sixth leg Alphaland National Executive Chess Championship na ginanap sa Activity Hall ng Alphaland Makati Place sa Makati City nitong Sabado.

Si Liwagon na miyembro ng multi-titled Philippine Army chess team ay nanaig kina fellow six pointers Ervil Villa at engineer Arjoe Loanzon via superior tiebreaks tungo sa coveted title sa one-day National Chess Federation of the Philippines-sanctioned rapid tournament na matagumpay na inorganisa ng Philippine Executive Chess Association (PECA) sa gabay ni president Atty. Cliburn Anthony A. Orbe.

Tumapos naman si Information Technology expert Jose Cada ng fourth overall na may 5.5 points, kaparehas ng naitala ni fifth placer Reynaldo Aba-a.

Ang mga nakapasok sa top 10 ay na may tig-5 points ay sina 6th place Narquingel Reyes, 7th place Dr. Alfred Paez, 8th place Atty. Cliburn Anthony A. Orbe, 9th place engineer Ravel Canlas ng PAGCOR at 10th place Nelman Lagutin.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagpakitang gilas naman si Mark Jay Bacojo, isa sa top players ng Dasmarinas Chess Academy na itinatag nina Dasmarinas Mayor Elpidio “Pidi” Barzaga Jr., congresswoman Jenny Barzaga at national coach International Master Roel Abelgas, matapos ang malakas na kampanyang sinimulan para makopo ang kiddies crown na may 6.5 points, half point ahead kay second place Srihaan Podar (6 pts.) at full point ahead kay third place Allan Gabriel Hilario (5.5 pts.).

Nanguna naman sa grupo ng five pointers sina Karlycris Clarito Jr., Junsen Audric Maranan at Lemmuel Jay Adena.