WASHINGTON (Reuters) – Ipinakulong ang dating election campaign manager ni U.S. President Donald Trump na si Paul Manafort, habang nililitis nitong Biyernes matapos kasuhan ng witness tampering.

Si Manafort, matagal na Republican operative at businessman, ay target ng imbestigasyon ni Special Counsel Robert Mueller kaugnay sa papel ng Russia sa halalan 2016, at kinasuhan kaugnay sa pananalapi, kabilang ang pakikipagsabwatan para sa money laundering at lokohin ang United States.

Sumumpa siyang not guilty sa mga nabanggit na kaso at nasa home confinement sa Virginia, at kinabitan ng electronic monitoring device.

Noong nakaraang linggo ay kinasuhan siya ni Mueller ng witness tampering sa kaso. Sumumpang not guilty si Manafort sa kaso nitong Biyernes ngunit binawi ni U.S. District Judge Amy Berman Jackson sa Washington ang kanyang bail, at ipinakulong siya.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Hindi sumagot ang tagapagsalita ni Manafort sa mga hiling na magkomento sa desisyon.

Sinabi ni Trump na “very” unfair ang pagpapakulong kay Manafort.