Hinihikayat ng Department of Health (DoH) ang publiko na boluntaryong mag-donate ng dugo upang makatulong sa pagsagip ng buhay ng tao.

Partikular na nanawagan si DoH-Region 4A Director Eduardo Janairo sa mga residente ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na bukod sa makakatulong ito sa mga taong nangangailangan ay malaki rin ang nagagawa nito upang maging “fit” at “healthy” ang katawan ng mismong naghahandog ng dugo dahil ito ay “replenishing our blood supply”, ayon kay Janairo.

Ayon kay Janairo, ang mga nais mag-donate ng dugo ay kinakailangang nasa 16-65 anyos, malusog ang pangangatawan, may timbang na 110 pounds (50 kg) pataas, at nakapasa sa physical, health history at lifestyle assessment screening.

Ang isang blood donor ay maaaring mag-donate ng dugo kada ika-12 linggo, o ikatlong buwan.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Hindi naman pinapayagang mag-donate ng dugo ang mga buntis, may lagnat, katatapos lamang uminom ng alak, may tattoo, sumailalim sa ear o body piercing, o katatapos lamang maoperahan.

-Mary Ann Santiago