NEW YORK (AFP) – Isasara ng coffee giant na Starbucks ang mga tindahan nito sa buong United States sa Martes para magsagawa ng training exercise sa mahigit 8,000 American outlets nito.
Ang inisyatiba, inaasahang tatagal ng apat na oras ay tuturuan ang 175,000 empleyado, ay ipinahayag ng Starbucks management noong Abril 17, sa pagsisikap na mapawi ang galit sa ng publiko pag-aresto sa dalawang itim nalalaki sa isa sa mga café nito sa Philadelphia.
Isang insidente, limang araw bago nito, ang nagbunsod ng mga protesta at soul-searching tungkol sa problema ng Amerika sa diskriminasyon at racial tensions. Dalawang itim na lalaki ang dumating sa Starbucks at nagtungo sa palikuran ang isa ngunit sinabihan siya na para lamang ito sa paying customers. Kasunod nito ay hinintay ng dalawa ang isa pa nilang kasama bago mag-order ng inumin. Tumawag ng pulis ang manager at ipinaaresto sila.
‘’You see a young black man and you immediately think crime,’’ hinaing ni James Bell, 47, counselor sa isang eskuwelahan sa Brooklyn.
Tinugunan naman ng Starbucks ang mga reklamo.
‘’May 29 isn’t a solution, it’s a first step,’’ saad sa website ng kumpanya. ‘’This first training will focus on understanding racial bias and the history of public accommodations in the United States, with future trainings addressing all aspects of bias and experiences.’’