Ni REMY UMEREZ

BAGAY na bagay sila, perfect pairing, komento ni Eugene Asis, entertainment editor ng People’s Journal, nang humarap sina Anne Curtis at Dingdong Dantes para sa presscon ng pelikula nila sa Viva Films, ang Sid & Aya (This is Not a Love Story).

Untitled-38 copy

Parehong produkto ng TGIS, a youth-oriented show produced ng Viva for GMA noong dekada 80 sina Anne at Dingdong. Si Antonette Taus ang madalas ipareha noon kay Dingdong. Supporting roles naman si Anne na palaging kapatid o best friend ng bida.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

After twenty years, ngayon lang sila magtatambal at title rolers pa sa Sid & Aya (This is Not a Love Story) na sinulat at idinirihe ni Irene Villamor.

Dream come true para kina Anne at Dingdong ang proyekto na kinunan pa sa Japan ang mahahalagang eksena.

Sadyang ibinitin at pasundut-sundot lang ang mga sagot kapag inuusisa kung ano ba talaga ang istorya ng Sid & Aya.

Gustong mapanatiling misteryoso ng produksiyon maging ang roles na ginagampanan nina Anne at Dingdong.

Pero marami ang kinikilig sa trailer ng pelikula nila at puwede itong batayan ng pagiging potential winner sa takilya ng unang tambalan nina Anne Curtis at Dingdong Dantes. Sa May 30 ipapalabas sa mga sinehan nationwide ang Sid & Aya.