WASHINGTON (AFP) – Sa pagtaas ng carbon dioxide dahil sa pagsusunog ng fossil fuels, mawawalan ng ilang protina at bitamina ang bigas, at manganganib sa malnutrition ang milyun-milyong katao, babala ng scientists nitong Martes.

Partikular na malala ang pagbabago sa southeast Asia na bahagi ng araw-araw na diet ang kanin, iniulat sa Science Advances journal.

“We are showing that global warming, climate change and particularly greenhouse gases — carbon dioxide — can have an impact on the nutrient content of plants we eat,” sinabi ng co-author na si Adam Drewnowski, professor ng epidemiology sa University of Washington.

“This can have devastating effects on the rice-consuming countries where about 70 percent of the calories and most of the nutrients come from rice.”

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Ang kakulangan ng protina at bitamina ay maaaring mauwi sa growth-stunting, birth defects, diarrhea, infections at maagang pagkamatay.

Ibinatay ang findings sa field studies sa Japan at China, kinopya ang dami ng CO2 na inasahan sa atmosphere pagsapit ng ikalawang bahagi ng siglong ito – 568 hanggang 590 parts per million. Ang kasalukuyang antas ay nasa mahigit 400 ppm.