Nahaharap sa kasong frustrated homicide ang isang 63- anyos na mister nang saksakin nito ang lalaking katabi ng kanyang misis sa pagtulog sa Purok Taranate, Barangay Concepcion, Zaragoza, Nueva Ecija, nitong Martes ng gabi.

Nagtamo ng saksak sa dibdib at iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Raymon Gutierrez, 25, ng nasabing barangay, na isinugod sa Dr. Paulino Garcia Memorial Research & Medical Center (PJGMRMC) sa Cabanatuan City.

Naganap ang insidente sa loob ng tindahan ng mag-asawa, dakong 11:00 ng gabi.

Nahuli umano ng suspek ang misis nito na may katabing lalaki sa pagtulog at pinagsasaksak ang lalaki.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Light A. Nolasco