PYONGYANG (AFP) – Dumating ang top diplomat ng Amerika sa Pyongyang kahapon, bago ang nakaplanong US-North Korea summit.

Ipinadala si Secretary of State Mike Pompeo sa hindi inanunsiyong pagbisita para ilatag ang mga paghahanda sa unang pagkikita nina Donald Trump at Kim Jong Un.

Kasabay ng kanyang pagbisita ang mga balita ng posibleng pagpapalaya sa tatlong US citizens na nakakulong sa North.

‘’We think relationships are building with North Korea,’’ ani Trump sa televised address mula sa White House.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Walang detalye sa itinerary ni Pompeo, at kung sino ang mga makakapulong niya sa Pyongyang.