(AFP)-Sugatan si Pakistan Interior Minister Ahsan Iqbal nang tangkaing itong i-assassinate sa gitna ng napipintong eleksyon sa nasabing bansa.

Inihayag ni senior police official Raja Riffat Mukhtar, papaalis na si Iqbal mula sa isang public meeting sa probinsya ng Punjab nang barilin ito ng suspek na si “Abid”, gamit ang isang 30-bore pistol.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanang braso ang biktima.

“The attacker was about to fire a second shot when police and people in the meeting overpowered him,” paglilinaw naman ni Malik Ahmed Khan, tagapagsalita ng Punjab government.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Siniguro naman ni Khan na mabuti na ang kondisyon ng ministro na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital sa Lahore.