WASHINGTON (AFP) – Nanumpa si dating CIA director Mike Pompeo bilang pinakamataas na diplomat ng Amerika nitong Huwebes, at kaagad na tumulak sa kanyang misyon sa Europe at Middle East baon ang malakas na suporta mula kay President Donald Trump.

Sa kabila ng matinding pagtutol ng Senate mula sa Democrats na nagbabala na gagatungan niya ang agresibong foreign policy ni Trump, nakuha ng 54-anyos na West Point graduate at dating congressman, Senate confirmation sa botong 57-42.

Mahigit isang oras matapos nito ay nanumpa siya bilang Secretary of State kay Supreme Court Justice Samuel Alito sa White House.

Kaagad na ipinahayag ng State Department na pangungunahan ni Pompeo ang delagasyon ng US sa NATO foreign minister talks sa Brussels sa Biyernes, at sunod na tutungo sa Israel, Jordan at Saudi Arabia.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture