NAIPANALO nina Cebuano National Master Merben Roque at Malaysian International Master Mok Tze Meng ang kanilang last-round assignment nitong Linggo para magsalo sa sixth place sa Pahang Chess Open 2018 na pinagharian ni Vietnamese International Master Nguyen Van Huy na ginanap sa Pahang, Malaysia.
Si Roque na taga Cebu City ay giniba si Teh Wee Zhun ng Malaysia habang pinadapa naman ni Mok ang kababayang si IM Jimmy Liew Chee Meng tungo sa 5.5 puntos.
Nakamit ni Roque ang sixth place sa bisa ng superior quotient kay 7th placer Mok.
Tabla naman si Van Huy kay Indonesian International Master IM Dede Lioe tungo sa titulo dahil na din sa mas mataas na tie break points kontra kina fellow 6.0 pointers 2nd place GM R.R Laxman ng India, 3rd place GM Nguyen Duc Hoa ng Vietnam, 4th place IM Dede Lioe at 5th place FM Sumant Subramaniam.
Nabigo naman si National Master Efren Bagamasbad na maiuwi ang korona matapos matalo kay FM Subramaniam sa final canto.
Napako si Bagamasbad sa 5.0 points, kagaya ng iskor na naitala nina FM Christopher Castellano at Ian Cris Udani ng Pilipinas, CM Fong Yit San at FM Ismail Ahmad ng Malaysia.