NAKATUTOK si Filipino International Master Oliver Dimakiling (Elo 2412) sa kanyang third at final Grand Master norm sa patuloy na idinaraos na 2nd Sharjah Masters International Chess Championship sa Sharjah Chess Club sa Sharjah, United Arab Emirates.

Tangan ang disadvantageous black pieces, giniba ni Davao City native Dimakiling si Super Grandmaster Nils Grandelius (Elo 2652) ng Sweden matapos ang 56 moves ng Petroff Defense nitong Lunes.

Siya ngayon ay nakisalo sa second place na may 5.0 puntos mula sa limang panalo at isang talo sa anim na laro.

Kabilang sa mga panalo ni Dimakiling ay kontra kina Hamad Essam (Elo 1729) ng UAE sa first round, Balasubramaniam H (2060) ng India sa third round, Nyazi Nehad (Elo 2213) ng Egypt sa fourth round, Super GM Aleksandr Rakhmanov (Elo 2652) ng Russia sa fifth round bago pataubin si Super GM Grandelius sa sixth round.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang bukod tangi niyang pagkatalo ay sa kamay ni Super GM Martyn Kravtsiv (Elo 2680) ng Ukraine sa second round. Ang kanyang seventh round opponent ay si Super GM Eltaj Safarli (Elo 2653) ng Azerbaijan.

Si Safarli na nagtala ng apat na magkasunod na panalo at natalo kay fellow Super GM Sethuraman S.P. (Elo 2631) ng India sa fifth round subalit nakabalik sa kontensiyon matapos pagulungin si IM Vignesh N R (Elo 2475) ng India sa sixth round.

Dinaig ni Super GM Parham Maghsoodloo (Elo 2615) ng Iran si Super GM Sethuraman sa sixth round para manatili sa unahang puwesto na may perfect six points.

Samantala, ang mga nakisalo kay Dimakiling ay sina GM Sethuraman, GM Safarli, Super GM Arkadij Naiditsch (Elo 2701) ng Azerbajian at Super GM Gawain Jones (Elo 2675) ng England.

Nakamit ni Dimakiling ang first GM norm matapos maging co-champion sa Dato Arthur Tan Malaysia Open Chess Championship noong 2006. Naisukbit niya ang second GM norm sa 2012 National Open Chess Championships.