Ni Jun Fabon
Hiniling kahapon ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isapubliko ang listahan ng mga opisyal ng barangay sa bansa na sangkot operasyon ng ilegal na droga.
Ayon kay DILG officer-in-charge Eduardo Año, napapanahon ang hakbang na ito dahil sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Aniya, karapatan ng publiko na malaman kung sino ang mga lokal na opisyal na nadawit sa ilegal na droga, upang malaman kung sinu-sino ang mga karapat-dapat na lider sa kani-kanilang lokal na pamahalaan.
Ayon naman sa PDEA, kaya nilang isapubliko ang druglist, subalit hindi pabor si incoming Philippine National Police chief Oscar Albayalde at sinabing magdudulot ng pamumulitika ang kagustuhan ng DILG.