Ni LIGHT A. NOLASCO

GEN. TINIO, Nueva Ecija – Apat na katao, kabilang ang isang tatlong taong gulang na lalaki, ang nasawi habang 14 na iba pa ang nasugatan makaraang bumaligtad ang sinasakyan nilang truck sa bulubunduking bahagi ng kalsada patungo sa Sitio Cunacon sa Barangay Pias sa Gen. Tinio, Nueva Ecija, nitong Lunes ng umaga, ini-report ng pulisya kahapon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kinilala ni Senior Insp. Adrian Gabriel, hepe ng pulisya, ang mga nasawi na sina Mandy Caballero, 42 anyos; Merceditas Terejal y Bote, 42; Ramon Reyes y Esquivel, 80; at ang batang si Mark Christian, pawang taga-Bgy. Pias.

Sa pagsisiyasat, lumilitaw na dakong 10:30 ng umaga at patungo ang mga biktima sa Sitio Lipa para sumali sa Pabasa nang mangyari ang aksidente.

Dinala naman sa iba’t ibang pagamutan ang mga nasugatang pasahero.

Napaulat na sumuko sa mga awtoridad ang driver ng truck na si Joel Francia y Ordoñez, 30, at sinabing nawalan siya ng kontrol sa sasakyan nang hindi kaagad na kumagat ang preno nito, hanggang nagkaroon ng problemang mekanikal sa truck.

Kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and physical injuries ang inihahanda ng pulisya laban sa driver at may-ari ng truck.