Dalawang trabahador ang nasawi habang isa pa ang nasugatan nang gumuho ang pundasyon ng ginagawa nilang gusali sa paanan ng bundok sa San Juan, La Union, nitong Biyernes ng hapon.

Sa report ni Chief Supt. Romulo Sapitula, Police Regional Office (PRO)-1 director, nakilala ang mga nasawi na sina Bernie Delos Trenos, ng Barangay Poblacion, San Gabriel; at Jovy Lima, ng Bgy. Cabaroan, Bacnotan, La Union.

Isinugod naman sa ospital si Loreto Baroga, ng Bgy. Poblacion, Tagudin, Ilocos Sur matapos itong masugatan sa insidente.

Naiulat ng pulisya na nangyari ang insidente dakong 3:30 ng hapon sa isang construction site sa Bgy. Urbiztondo, San Juan.

Probinsya

'Layas!' Mayor Kerwin Espinosa, pinapaalis mga adik sa Albuera

Sinabi sa imbestigasyon na abala sa pagtatrabaho ang mga biktima nang biglang gumuho ang lupa sa ipinapatayong gusali na nagresulta sa pagkakabaon ng tatlong manggagawa. (Liezle Basa Iñigo)