HONG KONG (AP) – Nagdaos ang Hong Kong ng by-elections na nagbibigay sa opposition supporters ng pagkakataon na mabawi ang mga nawalang puwesto sa halalan na susukat sa paghahangad sa demokrasya ng mga botante sa semiautonomous Chinese city.

Nagbukas ang botohan kahapon para sa apat na puwesto sa semi-democratic legislature ng lungsod na paglalabanan ng pro-Beijing loyalists at opposition candidates.

Nabakante ang mga puwesto matapos isang grupo ng mga mambabatas ang pinatalsik kasunod ng kontrobersiya sa kanilang panunumpa noong 2016, na ginamit nila para suwayin ang China.

Kabilang sa mga pinatalsik na miyembro ang dalawang nagsusulong ng kalayaan ng Hong Kong, na tinatawag na “red line”ni Chinese President Xi Jinping.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina