Ni Liezle Basa Iñigo

LINGAYEN, Pangasinan - Aabot sa 1,500 iba’t ibang uri ng high-powered firearms ang naisuko at nakumpiska sa buong Pangasinan.

Ito ang inihayag kahapon ni Chief Supt. Romulo Sapitula, Police Regional Office (PRO)-1 director, sa isinagawang turn-over ceremony ng mga baril sa Pangasinan Police Provincial Office (PPO) Grandstand nitong Sabado.

Mahigpit, aniya, ang kampanya ng pulisya laban sa mga hindi lisensiyadong baril bilang bahagi na rin ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Ang mga baril ay nagmula sa 44 na munisipalidad at apat na lungsod sa Pangasinan.

Sinabi ni Sapitula na pinakamaraming nakumpiska sa mga lungsod ng Urdaneta, San Carlos at Dagupan.

Kabilang din, aniya, sa mga nagmamay-ari ng mga baril ay ilang opisyal ng Pangasinan.