ISA dapat si Charo Santos-Concio sa mga nominado sa Oscar Awards para sa kanyang ipinamalas na galing sa pag-arte sa pelikulang Ang Babaeng Humayo (The Woman Who Left), sabi ng US film critic na si Glenn Heath Jr. ng San Diego City Beat.

cHARO copy

Sa kanyang online article na pinamagatang “The best film performances snubbed by Oscar,” inilista ni Glenn ang mahuhusay na mga aktor at aktres, kabilang si Charo, para bigyang-pugay bagamat hindi sila napabilang sa mga kinilala ng Academy ngayong taon.

Ayon kay Glenn ay kumpleto ang performance ni Charo sa rami ng pinagdaanang mga emosyon ng kanyang karakter na si Horacia.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Aniya, nakumbinsi ng direktor na si Lav Diaz ang isa sa mga bigatin sa industriya ng pelikulang Pilipino para magbida sa halos apat na oras na kuwento ng isang babaeng lumaya sa kulungan pagkaraan ng 30 taon.

Bukod kay Charo, kasama rin sa listahan sina Salma Hayek para sa Beatriz at Dinner, Nahuel Perez Biscayart para sa BPM, Tiffany Haddish para sa Girls Trip, Kris Avedisian para sa Donald Cried, Harris Dickinson para sa Beach Rats, Ahn Seo-hyun para sa Okja, Robert Pattinson para sa Good Time, at Millicent Simmonds para sa Wonderstruck.

Ang pelikulang Ang Babaeng Humayo ay comeback movie ni Charo pagkatapos maglingkod bilang presidente ng ABS-CBN. Nag-uwi ito ng karangalan sa bansa bilang pinakaunang Filipino film na ginawaran ng Golden Lion award sa Venice Film Festival sa Italy.

Kamakailan ay inihayag din na ang co-star ni Charo sa pelikula na si John Lloyd Cruz ay nominado naman para sa best supporting actor sa 15th International Cinephile Society Awards.

Ang Babaeng Humayo ay produced ng Cinema One Originals ng ABS-CBN at Sine Olivia.