Ni Gilbert Espeña

LALARGA na ang pinakahihintay na Sta. Maria, Bulacan Town Fiesta 2018 Chess Challenge sa Pebrero 4, 2018, alas-nuebe ng umaga sa ICI Gymnasium, Marian Street, Poblacion, Sta. Maria, Bulacan.

Ayon kina Eng’r. Norberto de Jesus at Franklin Tabao, may tatlong dibisyon ang paglalabanan sa one day Rapid chess tournament na 20 minuto plus 5 seconds delay ang format.

Ang magkakampeon sa Bracket A, Non-master 2100 and below rating ay tatangap ng P6,000 at tropeo habang P3,000 at tropeo naman sa ikalawang puwesto at P1,500 at tropeo naman sa ikatlong puwesto.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May P1,000 sa ika-4 na puwesto at P600 naman sa ika-5 puwesto. May tig P500 naman sa ika-6 hanggang ika-10 puwesto.May nakalaan din na tig P500 sa top lady, top senior (55+) at top unrated samantalang P1,000 naman ang maiuuwi ng top Sta. Maria player.

Sa Bracket B, Kiddies 14-under 1950 rating and below, nakalaan sa magkakampeon ang P2,500+trophy, sa ika-2 puwesto naman ay P1,500+trophy at sa ika-3 puwesto naman ay P1,000+trophy.

May P600+medal sa ika-4 na puwesto at P400+medal sa ika-5 puwesto. May tig P250+medal sa ika-6 hanggang ika-10 puwesto habang P500 naman sa top Sta. Maria player.

Sa Bracket C, Open master side event at 2101 rating and above ay may pot money game nakalaan at cash prizes depende sa bilang ng mga kalahok.

Ang registration fee ay P250- Bracket A at C habang P200- Bracket B para sa Sta. Maria residents ay P200- Bracket A at C at P100- Bracket B.