Nagbabala si Interior and Local Government (DILG) Officer-In-Charge Eduardo Año na sisibakin ang mga tamad at walang silbing opisyal at kawani ng ahensiya.
Aniya, magiging mahigpit siya sa mga ipinatutupad na regulasyon sa kagawaran at kapag napatunayan ang mga ‘palpak’ na trabaho na mga opisyales at kawani at hindi siya mangingiming patalsikin sila o patawan ng kaparusahan ang mga ito.
Aminado ang bagong upong DILG chief na hindi magiging madali ang pagpapatupad ng reporma sa Philippine National Police (PNP), at baguhin ang masamang tingin o impresyon ng mamamayan sa pulisya partikular sa ‘Oplan’ Tokhang’ para sa anti-drug war, ngunit sisikapin niya na muling maibalik ang tiwala ng publiko sa kapulisan.
Binigyang-diin ni Año na dapat na magkaroon din ng reporma mula sa recruitment at training ng mga pulis at patawan ng mabigat na parusa ang mga gumagawa ng kalokohan o pumapasok sa mga ilegal na gawain. - Jun Fabon