Ni REGGEE BONOAN

Angelica Panganiban
Angelica Panganiban
MARAMING Kapamilya stars ang nagpunta sa Japan para roon salubungin ang 2018 at isa sa kanila si Angelica Panganiban. Nagtungo siya sa Sapporo na pinagsyutingan ng blockbuster movie na Kita Kita nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.

May kuha si Angelica nitong Enero 1 na ipinost niya sa Instagram na nakapikit at hawak ang noo at may caption na, “Masakit ka sa ulo 2017 pero ito ang pinakamasayang taon ko. Sa pagtitiwala, pero binigo. Sa pag-iyak, pero kinaya. Sa pagtawa ng walang humpay. Sa pagkakaron ng mga bagong kaibigan. Sa mga kaibigan na nabalik. Sa mga lugar na bagong naramdaman. Sa pagkakataon na sinubukan. Sa mga tagumpay na pinasalamatan. Thank you 2017. Exciting 365 days ahead happy new year guys!!!”

As of press time, umabot na sa 94,865 likes ang IG post na ito ng aktres at binasa namin ang mga komento na pawang words of encouragements sa dalaga at may mga nagsasabi na makakatagpo rin daw siya ng para sa kanya na karapat-dapat.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Marami ring nagsabing bilib sila sa katapangan ni Angelica dahil nakayanan niyang lahat ang mga problemang dumaan sa buhay niya at naging ehemplo siya ng mga katulad niyang nabigo sa pag-ibig.

Hindi diretsong binanggit ang pangalan ng ex-boyfriend ng dalaga na si John Lloyd Cruz pero may nag-comment ng, “LODI talaga sa mga lalim ng captions.”

Hmmm, parang timing naman ang hugot post ni Angelica dahil ipapalabas na sa Enero 17 ang pelikula nila ni Judy Ann Santos na Dalawang Mrs. Reyes na produced ng Quantum Films, IdeaFirst Company at Star Cinema mula sa direksiyon ni Jun Robles Lana.