Nakiusap si Malou Gaces, ina ng 10-anyos na si Joven Earl na tinamaan ng stray bullet sa Caloocan City, sa mga blood donors dahil nasa kritikal na kondisyon ang kanyang anak.

Si Joven Earl, Grade 5 student, at ang kanyang kaibigan, isa ring menor de edad, at tinamaan ng bala sa barilan ng kanilang kapitbahay nitong bisperas ng Bagong Taon.

Tinamaan si Joven Earl sa balikat at sa tiyan.

Sa isang panayam, sinabi ni Malou na sumailalim kahapon ang kanyang anak sa ikalawang operasyon sa Jose Reyes Memorial Medical Center, sinabing kailangan niya ng blood donors.

National

DOLE, may job fair para sa mga mawawalan ng trabaho sa pagsasara ng POGO

Type O+ si Joven Earl, ayon kay Malou.

“I am appealing for help. Please save my child. Please pray for him,” sabi ni Malou sa Balita.

Ang kanyang kalaro, si Princess Denise Cruza, 10, Grade 4 student, ay tinamaan din sa tiyan ngunit nasa maayos nang kondisyon sa Tondo Medical Center. - Kate Javier