Ni Marivic Awitan

Isa na namang malaking dagok ang natamo ng University of Santo Tomas para sa nalalapit nilang pagkampanya sa darating na UAAP Season 80 volleyball tournament sa pagkawala ng kanilang open hitter na si Ej Laure.

Sa naunang ulat sa The Volleyball Reporter ang incoming senior na si Laure ay kasalukuyang nasa recovery ng kanyang chronic shoulder injury.

Inaasahang magpupuno sa maiiwang puwesto ng 5-foot-9 spiker, na isang top 10 scorer sa nakaraang dalawang UAAP seasons sa starting lineup ng Tigresses ang third year winger na si Carla Sandoval.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nauna nang nawala sa roster ng Tigresses ang beteranong middle blocker na si Ria Meneses, na piniling hindi na lumaro sa kanyang final playing year.

Bunga ng pangyayari, inaasahang magiging mahigpit ang labanan para sa Final Four round kung saan paborito ang reigning champion De La Salle at archrival nitong Ateneo.