Tinatayang aabot sa 200 residente ang naapektuhan ng sunog na tumupok sa 50 bahay sa Tondo, Maynila kahapon.

Ayon kay Fire Chief Insp. Joselito Reyes, ng Manila Fire Department, nagsimula ang sunog sa Capulong Street, malapit sa kanto ng Imelda St., bandang 12:35 ng tanghali.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naapula pasado 2:00 ng hapon.

Nakatulong ang malakas na buhos ng ulan upang mapigil ang pagkalat ng apoy.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Walang iniulat na nasaktan sa insidente na nagbunsod sa pagsisikip ng trapiko sa Road 10.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog, gayundin ang halaga ng natupok na ari-arian. - Mary Ann Santiago