CAMP OLIVAS, Pampanga – Sinalakay ng mga anti-narcotic operatives ang dalawang drug den, inaresto ang aabot sa 12 hinihinalang sangkot sa droga, at nakakumpiska ng P300,000 halaga ng shabu sa Barangay Dike Poblacion sa Baliuag, Bulacan nitong Linggo.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3 Regional Director Joseph C. Ladip ang mga naaresto na sina Rosario V. Mendoza-Nicdao, alyas Nanay Liit, 68; Ofelia V. Mendoza, alyas Felia; April L. Silva, 57; Rolando J. Bautista, 49; Rodel G. Mangulabnan, 39; Romnick G. Angeles, 29; Reynaldo L. Sales, 34; Priscilla D. De Leon, 68; Edwin O. Castillo, 40; Raymond E. Gipa, 26; Jeffrey C. Santos, 33; at Paulo B. Taguinod, 33, pawang taga-Bgy. Dike, Baliuag.

Inihayag ni Ladip na isinilbi ang dalawang search warrant laban sa mga suspek ng nasabing barangay.

“PDEA Bulacan Provincial Office received several reports from concern citizens in the locality that illegal drug trade and use are rampant in the said community, which prompted us to closely monitor the area and placed it under the PDEA’s radar,” sabi ni Ladip.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Nakumpiska mula sa mga drug den ang 11 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 50 gramo ng shabu, na tinatayang aabot sa halagang P300,000, at drug paraphernalia.

Nakadetine ngayon ang mga suspek sa PDEA-3 jail facility sa Diosdado Macapagal Government Center sa Bgy. Maimpis, San Fernando City, Pampanga.

Isinasampa na ang paglabag sa Section 6 (pagmamay-ari ng drug, den o resort), Section 11 (pag-iingat ng droga), Section 12 (pag-iingat ng drug paraphernalia) at Section 15 (paggamit ng ilegal na droga) sa Article 2 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) laban sa mga suspek. - Franco G. Regala