Ni NITZ MIRALLES

INALAM namin kung sino ang director of photography at underwater cinematographer ng Siargao dahil ang ganda ng mga kuha sa pelikula ni Direk Paul Soriano. Iyon bang trailer pa lang ang napapanood namin sa MMFF entry, pero tatatak na talaga ang cinematography.

Derek1 copy copy

Anyway, naka-post sa social media account ni Direk Paul ang official main trailer ng pelikula, ang official poster at ang official music video na ang theme song ay Alon na kinanta ng Hale. Pati theme song, bumagay sa tema ng Siargao.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa presscon ng All of You, sinagot ni Derek Ramsay ang tanong ng press people kung pagsisisihan ba ni Jericho Rosales na mas pinili nitong gawin ang Siargao kesa All of You.

“I don’t think magsisisi si Jericho. I saw the trailer of Siargao and it’s beautiful and I’m sure the whole movie is beautiful,” sagot ni Derek.

Anyway, huwag na nating intrigahin sina Derek at Jericho dahil pareho namang maganda ang kanya-kanyang pelikula. Ang gawin na lang natin, parehong panoorin ang All of You at Siargao simula December 25. Kayo na ang bahala kung alin sa dalawang pelikula ang uunahin at kung alin ba talaga ang mas maganda.