ISANG registered nurse na piniling pasukin ang mundo ng showbiz. Ganito ang kuwento ng Kapuso aktor na si Pancho Magno at ngayong gabi, kilalanin pang lalo si Pancho sa Tunay na Buhay kasama si Rhea Santos.
Kasalukuyang napapanood si Pancho sa Afternoon Prime series na Haplos bilang isa sa leading men ni Sanya Lopez. Pero sa totoong buhay, ang nagpapatibok sa puso ni Pancho ay ang kanyang fiance (brand new wife na paglabas nito) na si Max Collins dahil ikinasal na sila nitong Lunes.
Paano nga ba nila pinaghandaan ang kanilang kasal? Paano at saan nga ba nagsimula ang kanilang love story?
Samahan si Rhea Santos sa pag-alam sa kuwento ng Tunay ng Buhay ni Pancho Magno ngayong gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.