Ni Analou De Vera

Ang reclamation projects sa Manila Bay ay pinaniniwalan ng marami na malaki ang maitutulong sa paglago ng ekonomiya sa capital city, pero nangangamba naman ang ilang environmental activists sa kahihinatnan ng makasaysayang baybayin na pamoso sa marikit na tanawin tuwing lumulubog ang araw, at sa magiging negatibong epekto nito sa mga residente at sa siyudad mismo sa kabuuan.

Nagsagawa ng picket rally ang mga miyembri ng ‘Mamamayan Para sa Kalikasan Coalition’ sa Malate district kahapong umaga, upang tutulan ang pagtatayo ng ng ‘Horizon Manila Reclamation’ project dahil sa “environmental hazards that it will cause to the city and the entire National Capital Region,” pahayag ng grupo.

Inaprubahan ng pamahalaang lungsod ng Manila ang apat na reclamation projects, kabilang ang Horizon, sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Joseph Estrada, na inaasahang magdudulot ng kabuhayan sa siyudad at sa mga residente.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

Noong Hunyo 1, pinangunahan ni Estrada ang pagpirma ng Memorandum of Understanding (MOU) kasama si Philippine Reclamation Authority (PRA) Chairman of the Board Alberto Agra, General Manager Janilo Rubiato at J-Bros President Engr. Jesusito Legaspi Jr., para sa konstruksiyon ng 419-ektaryang proyekto ng nagkakahalaga ng P100 billion.

Lilikhain ang tatlong isla sa loob ng Manila Bay, sa hangganan ng Manila at Pasay sa timog at sa Roxas Boulevard sa silangan, na sasakop sa umaabot sa 3.5 kilometro ng baybayin ng Manila Bay.

Pero tinututulan ito ng grupo ng mga environmentalist sa dahilang “creation of three islands that is connected by artificial bridges will exacerbate flooding in Manila.”

Binanggit din ng environmental group ang Resolution No. 19 series of 2012 ng National Historic Commission of the Philippines, na nagdedeklara sa Manila Bay at Waterfront mula Delpan Bridge hanggang Cultural Center of the Philippines sa Roxas Boulevard bilang national historical landmark.