Ni: Mary Ann Santiago
Tiniyak kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na hindi maaapektuhan ng paglipat nila sa bagong opisina ang mga nakabimbing poll protest sa kanilang tanggapan, at walang dapat na ikabahala ang mga partidong sangkot dito.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, iniingatang mabuti ng Comelec ang lahat ng requirements para mapangalagaan ang mga dokumentong isinumite sa kanila ng mga partido o indibiduwal na naghain o nahaharap sa poll protests.
Una nang kinumpirma ni Jimenez na aalis na ang Comelec sa opisina nito sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila makalipas ang 10 taong pangungupahan sa tatlong palapag ng nasabing gusali.
Nabatid na structural integrity ang dahilan ng pag-alis ng Comelec sa gusali.