Ni NITZ MIRALLES

BAGO isagawa ang QC LGBT Pride March sa December 9, sa November 28 ay may important event muna ang mga barangay sa Quezon City sa Hive Hotel sa pamumuno ni QC Mayor Herbert Bautista.

Ito ‘yung Barangay Pride Council na present ang mga barangay official para pag-usapan na dapat ay represented na sa QC LGBT Pride March ang bawat barangay para mas maging masaya ang okasyon.

Samantala, may traffic advisory na para sa mga motorista na Dec. 8, dahil isasarado ang Tomas Morato sa mga sasakyan. Sa Rembrandt Hotel magsisimula ang parada, dadaan sa Mother Ignacia, Timog Avenue at balik sa Rembrant Hotel.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pagkatapos ng parade, may fashion show at may nag-suggest na imbitahan si Sinon Loresca kahit sa fashion show na lang dahil magaling itong rumampa.

Ang mga binanggit sa presscon na iimbitahan ay sina Cong. Geraldine Roman, Boy Abunda at 2017 Mr. Gay World John Respato. Tatawagin ang QC Pride March this year na “The Pride in QC: Safe and Free.”

Ipinagmalaki ni QC Councilor Mayen Juico na may gumagaya na sa sinimulan nilang Pride March at ang QC ang mayroong most comprehensive anti-gay discrimination ordinance sa buong bansa.