Ni: Bella Gamotea

Sugatan ang isang guwardiya makaraang barilin ng kanyang kalugar sa Taguig City, nitong Miyerkules ng hapon.

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital si Ismael Pusidio y Lorenzo, 61, ng No. 1 M. Gregorio Street, Calzada-Tipaz, Taguig City, na nagtamo ng tama ng bala sa kanang hita.

Tinutugis naman ng awtoridad si Hansel Herrera y Palatino, 27, M. Gregorio St., Calzada-Tipaz.

Probinsya

Lalaking nambuhos ng mainit na kape sa jowa, sugatan matapos tagain at gantihan

Sa ulat na ipinarating sa Southern Police District (SPD), naganap ang insidente sa M. Gregorio St., bandang 3:30 ng hapon.

Nakatayo ang biktima sa lugar nang sumulpot ang suspek at binaril ang biktima sa hita.

Agad tumakas ang suspek bitbit ang baril.

Patuloy na inaalam ang motibo sa pamamaril.