Ni NOEL FERRER

PAGKATAPOS um-absent sa Eat Bulaga ng tatlong araw, dumalaw sa Broadway Centrum si Ryan Agoncillo para magbigay-pugay sa mga kasamahan sa trabaho. 

Ryan copy

Nakasaklay si Ryan nang bisitahin ang kanyang Dabarkads at ipinakita niya ang kanyang natamong injury mula sa pagkakabagsak niya sa training sa kanilang motor racing noong isang Linggo. 

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“I drained about 44cc of fluid from my knee yesterday to relieve swelling and pain,” sabi ni Ryan. “Also had an MRI done to search for tears in the joint and also had my lower back checked na din,” dagdag pa niya at sinabi namin na tumatanda na tayo talaga at kailangan na ng ibayong pag-iingat sa activities niya. 

Kinakailangang magpahinga ni Ryan kaya nagpaalam siya sa mga kasamahan sa Eat Bulaga. 

“Oo, nagpaalam ako pansamantagal. I’ll have surgery November 5. Hopefully after 2 solid weeks of rest, I’m good to go back. But if recovery is retarded, I’ll be back December 1. Mami-miss ko ang mga Dabarkads!” pagtatapos ng mister ni Juday na maghihinay-hinay muna sa pagmomotor at looking forward sa bakasyon ng kanyang pamilya.