Ni Brian Yalung

Sa mga susunod na laban ng Centro Escolar University Scorpions, asahan ang doble-kayod sa mga players upang maibsan ang malaking puwang na pansamantalang iiwan ni big man Rodrigue Ebondo.

Rodrigue Ebondo of Cafe France Bakers drives the ball during their match against AMA University Online Education in Ynares Sports Arena, July 28, 2016.
Rodrigue Ebondo of Cafe France Bakers drives the ball during their match against AMA University Online Education in Ynares Sports Arena, July 28, 2016.

Ayon sa CEU team officials, nakatanggap ng tawag ang 6-foot-6 Congolese mula sa Democratic Republic of Congo kung saan inatasan siyang maglaro sa National Team para sa 2017 FIBA African Qualifiers. Nakatakda ang torneo sa Nov. 24 kung saan kasama ng Dem. Rep. of Congo sa Group C ang perennial contender Angola, Morocco at Egypt.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kasalukuyang rumaratsada ang CEU Scorpions sa Universities and Colleges Basketball League (UCBL), sa pangunguna ng matikas na laro ni Ebondo. May hanggang Nov. 19 ang CEU para mapaghandaan ang pansamantalang paglisan ni Ebondo.

Hindi na bago sa Scorpions ang malagay sa alanganin ang kanilang kampanya, ngunit sa tuwina’y sumasabay ang Scorpions sa laban. Halos ganito rin ang kanilang sitwasyon sa 2017 PBA D-League Foundation Cup, ngunit nagawa nilang makausad sa finals kung saan tinalo sila ng Cignal Hawkeyes.

“In all honesty medyo masakit sa amin, medyo mabigat. Kasi nasa penultimate stage na kami ng liga (UCBL). Pero kaya lang we feel proud knowing he (Ebondo) being named to the national team all because of sa hirap ng ginawa naming sa kanya. Medyo mabigat din sa loob ng coaches kaya lang ganon talaga eh,” sambit ni CEU team manager Jun Tiongco sa esklusibong panayam ng Manila Bulletin Sports Online.

“This early pa lang, we want to make adjustments and get used to playing without Ebondo,” aniya.

Iginiit naman ni Ebondo na masakit man sa kanyang damdamin, ngunit malaking bagay aniya ang mapili para makalaro sa National Team.

“It’s a great feeling for me. It is always an honor to play for country,” pahayag ni Ebondo.

“It is really hard for me but I just have to grab the opportunity. It’s unfortunate I have to leave in the middle of the tournament but I am confident my teammates can hold up,” aniya.