Ni: Ben R. Rosario

Hiniling ng Commission on Audit sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang posibleng paghahain ng kasong kriminal at administratibo sa dalawang dating kalihim ng Department of Agrarian Reform kaugnay sa pagbibigay ng medical/health care allowance sa mga empleyado at opisyal ng DAR mula 2001 hanggang 2005.

Sa kalalabas lamang na Decision No. 2017-272, inatasan ng COA Commission Proper (COA-CP) ang prosecution at litigation office nito na idulog ang kaso sa Ombudsman matapos pagtibayin ng three man panel ang desisyon ng COA National Government Sector Cluster 8 na ipinagbabawal ang P70,301,385 ginastos sa medical allowances.

Kabilang sa mga sinisisi sa diumano’y prohibited expenditure sina dating secretaries Hernani Braganza at Rene C. Villa, Director Nelson Genito, Charlie Reyes at Angelita Cacanta ng accounting division; Undersecretary Teddie Elson E. Rivera at Teresita L. Panlilio.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pinagtibay ng COA-CP sa pamumuno ni Chairman Michael Aguinaldo ang Notice of Disallowance na ipinataw ng COA-NGS-Cluster 8 ngunit binago ang desisyon sa hindi pagsama sa mga empleyado na tumanggap lamang ng medical benefit mula sa reimbursement ng disallowance amount.

Idineklara ng COA-CP na ilegal ang pagpalabas ng P70,301,385 matapos mapatunayan na kinuha ang pera mula sa Agrarian Reform Fund (ARF). “Hence, the payment of Medical Allowance out of such fund, not being among the specific purposes of the ARF, was illegal/irregular,” saad sa desisyon.