Ranidel De Ocampo | PBA Images
Ranidel De Ocampo | PBA Images

Ni Ernest Hernandez

HINDI na kailangan pa ni Ranidel de Ocampo na mamalagi nang matagal para maipadama ang presensiya sa Meralco Bolts.

Sa unang sabak sa aksiyon, suot ang bagong jersey, matapos ipamigay ng Talk ‘N Text, kumubra ang beteranong forward at dating Gilas mainstay ng 10 puntos para makapag-ambag sa dominanteng 28 puntos na panalo sa Alaska Aces.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“It has been an interesting week, picking up Ranidel in the middle of the week and teaching him the entire system in three days. I thought he did a very good job today blending in the team,” pahayag ni Bolts’ head coach Norman Black.

Hindi maikakaila na nadagdagan ang tsansa ng Meralco sa kampanya sa 2017 PBA Governor’s Cup title ngayong katropa na nila si De Ocampo.

“We expect Ranidel to be a big addition to our team. He will bring a lot of talent and experience that I will think will help us down the stretch,” ayon kay Black.“We are so happy to have him on the team right now. The players came out and played really, really well with his addition. They took it positively.”

Iginiit naman ni de Ocampo, na trabaho lang ang lahat, at walang personal sa gitna nang usapin sa kontrobersyal na desisyon ng Katropa na bitawan siya at ipamigay sa ibang koponan.

“Masaya kasi unang-una panalo kami. Nakita ko kung paano actual game na magkakasama kami. At the same time, nakilala ko mga tao sa loob ng team,” pahayag ni de Ocampo.

Sa kabila ng limitadong playing time, sinabi ni RDO na normal lamang ang sitwasyon dahil na rin sa pangangapa niya sa sistema ng Meralco. Ngunit, umaasa siyang mas mabibigyan ng pagkakataon sakaling makalusot sila patungo sa playoff.

“Wala naman masyadong pinagawa sa akin si coach. Sinimplehan niya lang tsaka hindi niya ako ginamit ng sobrang tagal.

Ok yun sa beginner na tulad ko sa team,” aniya.