Ni JIMI ESCALA

GABI ng Vilmanians at Noranians ang katatapos na 33rd PMPC Star Awards for Movies na ginanap sa Resorts World Manila nitong nakaraang Linggo ng gabi.

Ang dalawang hukbo ng mga tagahanga na ilang dekada na ring nagbabangayan para sa kanilang iniidolong sina Vilma Santos at Nora Aunor ang pumuno sa nasabing venue. Hanggang ngayon, silang dalawa pa rin ang itinuturing na pinakamaningning na artista ng pelikulang Pilipino.

STAR AWARDS WINNERS kasama sina Fernan de Guzman at Mell Navarro, ang presidente at chairman ng PMPC, respectively copy

Human-Interest

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na

Unang dumating sa venue si Nora Aunor; and true to her promise sa production, alas nueve y medya dumating si Ate Vi na halos kasabay ng kanyang anak na si Luis Manzano na pinarangalan din nang gabing iyon bilang Darling of the Press.

Habang nasa entablado si Nora para ipagkaloob ang parangal kay Pen Medina bilang Ulirang Artista ay saka naman pumasok loob na ng teatro ang Star for All Seasons. Isang nakakabinging hiyawan ng audience ang sumalubong kay Ate Vi na reynang-reyna sa puting-puti niyang kasuotan.

Walang tensiyon na naganap sa muling pagkikita nina Vilma at Nora. Ayon kay Ate Vi, huli silang nagkita at nagkausap ni Nora sa Amerika nang ipalabas doon ang pelikula niya with Luis Manzano at John Lloyd Cruz.

Ilang minutong nagkausap at nagkumustahan sina Ate Vi at Nora sa isang dressing room bago sila ginawaran ng parangal bilang Ginintuang Artista. Nabanggit ng una na hindi sila nagkakarinigan ng kanyang kumere sa sobrang lakas ng hiyawan ng mga tagahanga nila.

Pareho ring nominado at mahigpit na magkalaban sa kategoryang Best Actress sina Vilma at Nora. Ang Star for All Seasons para sa kanyang pelikulang Everything About Her na pinagwagian na niya sa ilang award-giving bodies at si Nora naman para sa pelikulang Kabisera. Pareho silang umuwing taglay ang kanya-kanyang best actress trophy dahil nag-tie sila.

Ilang saglit ding naming nakakuwentuhan si Ate Vi pagkatapos ng awards night at masayang-masaya siya na nagkasama silang muli ni Nora sa entablado at sabay na ring tumanggap ng best actress award.

Tinanong namin si Ate Vi kung okey lang din ba sa kanya kung halimbawang sabay din silang parangalan bilang National Artist. Walang problema sa kanya, aniya, at tiyak din daw namang ikakatuwa iyon ng mga tagahanga nila. Pero binanggit ni Ate Vi na wala naman sa kanila ni Nora ang pagpapasya.

Samantala, ang Best Actor award ay napanalunan naman ni Daniel Padilla para sa pelikulang Barcelona: A Love Untold.

Tinanggap din ni Daniel ang Most Popular Love Team para sa nasabing pelikula nila ni Kathryn Bernardo.

“Hindi ibig sabihin ng award na ito, eh, magaling na ako. Ibig sabihin nito na marami pa akong kakaining bigas para galingan ko pa,” sabi ni Daniel.

Tinalo ng young actor sa nasabing kategorya sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, at iba pa.

Ipinagkaloob naman ng Star Awards ang New Movie Actor of the Year kay Joshua Garcia na halatang kinakabahan pa nang iabot namin sa kanya ang napanalunang tropeo.

“Magsisilbi itong inspirasyon para lalong pagbutihan ko ang aking pag-arte,” banggit ng mahusay na newcomer.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa 33rd Star Awards for Movies:

Best Actress - (tie) Vilma Santos (Everything About Her) at Nora Aunor (Kabisera)

Best Actor - Daniel Padilla (Barcelona: A Love Untold)

Best Supporting Actor - Xian Lim (Everything About Her)

Best Supporting Actress - Ana Capri (Laut)

New Movie Actor of the Year - Joshua Garcia (Vince, Kath & James)

New Movie Actress of The Year - Hasmine Killip (Pamilya Ordinaryo)

Best Child Performer - Rhed Bustamante (Seklusyon)

Best Indie Movie Director - Eduardo Roy (Pamilya Ordinaryo)

Best Director - Jun Robles Lana (Die Beautiful)

Best Indie Movie - Pamilya Ordinaryo

Best Movie - Die Beautiful

Best Theme Song (indie) - Pauwi Na

Best Musical Score - Everything About Her

Best Sound Engineer (indie) - Kusina

Best Sound Engineer - Seklusyon

Best Original Theme Song (indie) - Panata

Best Original Theme Song - Imagine You and Me

Best Production Design (indie) - Hapis at Himagsik Ni Hermano Puli

Best Production Design - Seklusyon

Best Cinematography (indie) - Sakaling Di Makarating

Best Cinematography - Die Beautiful

Best Editing (Indie) - Pamilya Ordinaryo

Best Editing - Die Beautiful

Best Screenplay (indie) - Patay Na Si Hesus

Best Screenplay - Die Beautiful