Ni Marivic Awitan

SA bagong sistema sa ilalim ng bagong coach at sa pamumuno ng bagong starters, nakuhang makabalik ng Adamson sa Final Four sa nakalipas na season pagkalipas ng limang taon.

Dahil sa kanilang naabot, tumaas ang kumpiyansa ng Soaring Falcons.

“Halos puro rookies kami last year pero dahil sa pagpasok namin ng Final Four mas tumaas yung kumpiyansa ng team,“ pahayag ni Falcons team skipper Rob Manalang.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Siguradong malaki ang maitutulong ng naging accomplishment namin last year sa campaign namin this year, “ dagdag nito.

Maging ang kanilang mga katunggali ay naniniwalang isa ang Adamson sa posibleng maging contender ngayong taon.

“Kapag nabanggit ang Adamson, automatic sinasabi nila darkhorse,pero personally, tingin ko isa kami sa favorites this year, “ ayon pa kay Manalang.

Kaya naman, higit sa inabot nila noong isang taon ang target abutin ngayon ng Falcons.

“Siyempre, nakaabot kami ng Final Four last year, so ngayon, gusto naman namin at susubukang umabot ng finals,” aniya.

“To get to the Final Four, that’s our first goal. Then after we get to the Final Four, hopefully, get to the Finals and get the championship,” ayon naman kay Maverick Ahanmisi.

“The team’s been working hard the whole offseason so I think we’re pretty prepared for anybody,” aniya.

Lalo pang nagpalakas sa tsansa ng Falcons ang pagkakadagdag sa dating core nina Manalang, Ahanmisi, Sean Manganti, Papi Sarr at Filipino-American na si Tyrus Hill, gayundin ang dating high school MVP na si Jerie Pingoy.

“Our new additions could push us over that line we didn’t get across last year,” ayon kay Ahanmisi.

Ang pagiging isang lehitimong contender ay agad na masusubok kung talagang kaya na ng Adamson sa darating na Season 80 opener sa MOA Arena kung saan makakasagupa nila ang Ateneo.