Ni: Nitz Miralles

MAY memo pala ang invited sa wedding nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na bawal sabihin kung saan gaganapin ang kasal na this year na magaganap.

Erwan at Anne--1 copy

Nalaman ito ng mga reporter nang makausap si Vhong Navarro sa victory party ng Regal Entertainment para sa box-office success ng Woke Up Like This.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Lahat kami sa It’s Showtime invited, sa ibang lugar gaganapin. ‘Kaso, may memo sa amin na bawal sabihin kung saan.

Basta lilipad kaming lahat at kailangan naming dumalo dahil kapatid namin ‘yun,” sabi ni Vhong.

Inaayos na ni Vhong ngayon pa lang ang kanyang schedule na tiyak magiging hectic sa paghi-hit ng movie nila ni Lovi Poe. Sa victory party, kinumpirma ng publicist ng Regal na si Jun Nardo na umabot na sa P60M ang gross ng Woke Up Like This, kaya masayang-masaya si Mother Lily sa in-announce na, “Mayamang-mamayan na uli ako. Bawing-bawi ako.”

May kasunod na project si Vhong sa Regal at ang ikinatutuwa niya, hindi pa man naipapalabas ang Woke Up Like This, nakaplano na ‘yun.

“Kaya tuwang-tuwa at nagpapasalamat ako kina Mother Lily at Ms. Roselle Monteverde sa tiwala nila sa akin. Hindi pa man showing ang movie namin ni Lovi, gusto na nilang mag-meeting kami. Nakakatuwa, ganu’n nila ako pinagkakatiwalaan hindi pa man nila alam ang resulta ng Woke Up Like This,” pahayag ni Vhong.