KINSHASA (AFP) – Ang bilang ng mga taong lumikas sa karahasan sa Democratic Republic of Congo, karamihan ay sa magulong rehiyon ng Kasai, ay halos dumoble sa nakalipas na anim na buwan sa 3.8 milyon, sinabi ng isang opisyal ng United Nations nitong Sabado.

Sinabi ni George Okoth-Obbo, ang ikalawang pinakamataas na opisyal ng UN’s refugee agency (UNHCR), na kailangan ang pagkain at damit para sa 1.4 milyon sa Kasai na umalis sa kanilang mga tirahan dahil sa karahasan na pumatay na ng mahigit 3,000 katao.

‘’Immediate protection’’ aniya sa AFP sa huling araw ng kanyang tatlong araw na pagbisita sa bansa, partikular para sa mga bata ‘’who are sleeping in conditions that are difficult to imagine’’.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina