Isang 5.9 magnitude na lindol ang yumanig sa ilang bahagi ng katimugang Mindanao kahapon ng umaga.

Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy ang epicenter ng lindol sa layong walong kilometro sa timog silangan ng Malapatan, Sarangani, bandang 8:30 ng umaga kahapon.

Lumikha ito ng lalim na 74 na kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang Intensity 5 sa mga bayan ng Malapatan at Alabel sa Sarangani at General Santos City; Intensity 4 sa Digos City at Kiamba sa Sarangani; at Intensity 3 sa Davao City at sa Lebak, Sultan Kudarat.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Naitala rin ang Intensity 1 sa Zamboanga City, ayon pa sa Phivolcs.

Wala pang naiuulat na pinsala sa istruktura o pagkasugat dahil sa lindol ang Office of Civil Defense-Southern Mindanao habang isinusulat ang balitang ito. - Rommel P. Tabbad