KINSHASA (Reuters) – Dinukot ng mga armado sa Democratic Republic of Congo ang dalawang paring Katoliko, kinumpirma ng conference of bishops ng bansa nitong Lunes.
Kinidnap sina Fr. Charles Kipasa at Fr. Jean-Pierre Akilimali ng 10 armado sa Our Lady of the Angels parish sa Bunyuka, na matatagpuan sa pagitan ng bayan ng Butembo at Beni, bago mag-10:00 ng gabi (2000 GMT) nitong Linggo.
“Priests are men of God who devote their lives to the good of the population without a political agenda. To hurt them is to harm the community they serve,” ayon sa statement ng National Episcopal Conference of Congo (CENCO).