Ni: Bella Gamotea
Bilang chair ng ASEAN Connectivity Coordinating Committee (ACCC), pangangasiwaan ng Pilipinas ang Master Plan on ASEAN Connectivity (MPAC) 2025 Forum on Initiative and Project Concepts sa Alabang, Muntinlupa City, ngayong Hulyo 12 hanggang 13.
Magsasama-sama sa naturang pulong ang high-level experts at stakeholders sa MPAC 2025 initiatives mula sa iba’t ibang rehiyon sa ASEAN, partikular ang ASEAN Connectivity Coordinating Committee (ACCC), National Coordinators and National Focal Points for MPAC 2025, Dialogue Partners, ASEAN Sectoral bodies at tagapagpatupad na mga ahensiya, ASEAN Dialogue Partners, mga pandaigdigang samahan at ibang external parties upang magbahagi ng mga proseso, burador at resulta ng Master Plan.